
Sa ikasiyam na anibersaryo ng 2016 Arbitral ruling ay nanawagan ang mga kongresistang kasapi ng Young Guns sa publiko na labanan fake news kaugnay sa West Philippine Sea.
Ayon kay Rep. Paolo Ortega, ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) Arbitral Ruling ay malinaw na patunay na ang West Philippine Sea ay pag-aari natin.
Punto naman ni Congressman Zia Alonto Adiong, anumang kasinungalingan ukol sa ating karagatan ay nagiging sanhi upang tayo ay magkawatak-watak, kaya dapat pagsumikapan ang pagpapalaganap ng tamang impormasyon para tayong lahat ay magkaisa.
Ikinalugod naman n Rep. Jay Khonghun ng Zambales ang resulta ng Pulse Asia Survey na karamihan o 73% ng mga Pilipino ang sumusuporta sa pagdepensa ng pamahalaan sa ating karapatan sa West Philippine Sea alinsunod sa 2016 Arbitral ruling.
Giit naman ni Rep. Lordan Suan, bilang pagkilala sa UNCLOS Ruling ay dapat nating labanan ang disinformation at protektahan ang ating soberenya.









