Paglaban sa fake news – pinangunahan ng NUJP

Manila, Philippines – Pinangunahan ng National Union Journalist of the Philippines (NUJP) ang paglaban sa mga naglalabasang fake news ngayon.

Ayon kay Dabet Panelo, Secretary General ng NUJP – katuwang ang Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) binuo nila ang “flakeblok” – isa itong “Google Crome Extension” na nagba-block ng mga fake news website sa Facebook feed.

Aniya – labing tatlong website na ng mga fake news ang nakablock sa kanila.


Ilan sa mga naging basehan nila ang kawalan ng impormasyon sa “about us” at “contact pages” ng mga ito.

Pwede rin mag-report ang netizens ng fake news website sa Fakeblok.Com.

Kasabay nito – nanawagan ang NUJP sa netizens na maging mapanuri sa mga nababasa sa social media.

Sa ngayon – sa desktop palang nagagamit ang “Fakeblok” pero pinaplano na itong maupgrade sa mobile devices.
DZXL558

Facebook Comments