Manila, Philippines – Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN member country leaders na magtulungan sa pagsugpo sa kalaban ng lahat ng nasyon na operasyon ng iligal na droga.
Sa opening statement ni Pangulong Duterte sa Pagsisimula ng ASEAN Leaders Summit kanina ay binigyang diin ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng paglaban sa iligal na droga.
Ayon kay Pangulong Duterte, dapat ay mawakasan na ang operasyon ng iligal na droga sa rehiyon bago paman nito masira ang society o ang lahat ng pinaghirapang itayo ng mga bansang miyembro ng ASEAN.
Dapat aniya ay isulong ang pagiging drug free ng ASEAN region upang matiyak ang pagkakaroon ng ligtas at tahimik na kinabukasan para sa lahat.
Sa pamamagitan aniya ng pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat bansang miyembro ng ASEAN ay siguradong mawawakasan ang operasyon ng iligal na droga.
Paliwanag ng Pangulo, nakita niya kung paano sinisira ng iligal na droga ang buhay at pangarap ng mga kabataan, kaya hindi niya hahayaang mangyari ito sa susunod na henerasyon.
Paglaban sa iligal na droga, dapat isulong ng ASEAN ayon kay Pangulong Duterte
Facebook Comments