Paglaban sa illegal recruitment, pinaigting pa ng pamahalaan

Inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ilang grupo ng migrante ang National Plan to Mainstream Fair and Ethical Recruitment of Overseas Filipino Workers.

Ayon sa DOLE, layon nitong tiyaking ligtas at makatao ang recruitment ng mga Pilipinong nais magtrabaho sa ibang bansa.

Anila, nais nilang lumebel sa global standards at bawasan ang nabibiktima ng ilegal recruiters.


Maliban dito, target nitong pabilisin ang pagbigay-solusyon sa mga reklamo ng OFWs.

Nabatid na higit kumulang 140 reklamo ang natanggap ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) laban sa recruitment agencies ngayong taon.

Facebook Comments