Cauayan City, Isabela- Nilagdaan ni Officer-in-Charge Lucia Alan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 ang Memorandum of Understanding (MOU) para sa implementasyon ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPHAP).
Ito ay paraan upang lalo pang mapagtibay ang hakbang na gagawin ng pamahalaan na labanan ang kagutuman at masigurong may sapat na pagkain at maibsan ang kahirapan sa tulong ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Kaugnay nito, nangako naman ang DSWD sa pagbibigay ng Supplemental Feeding Program na makakatulong sa mga bata upang mapabuti ang kanilang kalusugan at nutrisyon, ugali at kasanayan, at edukasyon.
Samantala, hihikayatin naman ang mga agricultural o fisheries related projects na matugunan ang food items sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program.
Bahagi rin ng programa ang mga ahensya ng gobyerno gaya ng National Irrigation Administration Region 02 (NIA R02), Landbank of the Philippines (LBP), Department of Agrarian Reform Region 02 (DAR R02) Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC), Department of Health (DOH R02), National Food Authority (NFA- Cagayan) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP RO2 ).