Paglaban sa korapsyon at kriminalidad sa ilalim ng Duterte admin, ‘superb’ – Año

Ipinagmamalaki ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mahusay na paglaban ng Duterte Administration kontra korapsyon at lahat ng uri ng kriminalidad.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, umayos ang peace and order situation sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Sa pinagsanib-pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nasa 52% ng 21,891 na barangay sa buong bansa ang drug free.


Nasa ₱59.14 billion na halaga ng ilegal na droga ang nasamsam mula sa drug syndicates habang 289,622 drug personalities ang naaresto, kabilang ang 12,069 high value targets.

Nasa 1,222,363 drug users at personalidad ang boluntaryong sumuko.

Binanggit din ni Año ang pagbaba ng bilang ng index crimes tulad ng murder, homicide, rape at robbery incidents ng hanggang 50-porsyento mula noong 2020.

Nasa 17,142 roque cops ang pinatawan ng disciplinary actions at 906 ang na-dismiss sa serbisyo.

Nasa 97 barangay captains naman ang kinasuhan sa Office of the Ombudsman na may 89 ang inisyuhan ng preventive suspensions dahil sa Social Amelioration Program (SAP).

Facebook Comments