Manila, Philippines – Isa ang usapin sa paglaban sa malnutrisyon sa mga naging agenda sa katatapos lamang na ASEAN Summit, ito ang iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III.
Sa nasabing pulong, inatasan ang mga ASEAN Health Ministers na tutukan ang magiging progreso sa deklarasyon ng ASEAN leaders na tuldukan ang lahat ng porma ng malnutrisyon sa rehiyon, kung saan magtutulungan ang mga kagawaran ng kalusugan, agrikultura, social welfare at iba pang stakeholders.
Sa darating na Marso 2018, pangungunahang muli ng Pilipinas ang pagbuo ng framework na lalamanin ang kabuuang implementasyon ng naturang deklarasyon.
Target ng ASEAN leaders na pagdating ng 2030, wala nang maitatalang malnourish sa ASEAN Region.
Facebook Comments