Paglaban sa ‘misinformation,’ hiniling ng Liderato ng Kamara sa mga brodkaster

Hiniling ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga opisyal at kasapi ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) na ipagpatuloy ang pagsusulong ng katotohanan para malabanan ang pagkalat ng mali o hindi totoong mga impormasyon.

Ayon kay Romualdez, malaki ang papel na ginagampanan ng mga broadkaster sa pagpapalakas ng ating demokrasya at paglaban sa fake news, misinformation at disinformation, na higit ngayong kumalakat sa social media.

Pinuri naman ni Romualdez ang KBP sa pagtupad sa tungkuling ito.


Mensahe ito ni Romualdez sa kanyang pagdalo sa ika-51 anibersaryo ng KBP na may temang “Empowering People’s Voices and Aspirations” kung saan dumalo rin ang matataas na opsiyal ng RMN sa pangunguna ng isa sa mga Director nito na si Mr. Butch Canoy, Executive Vice President for Operations and COO Enrico Canoy at RMN Foundation Vice President for Operations Enrique Canoy.

Facebook Comments