Manila, Philippines – Isusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa papalapit na 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ang pagtutulungan ng mga bansa na labanan ang terorismo.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano tatalakayin ito ni Pangulong Duterte sa harap ng mga leader ng ASEAN, mga regional partners kasama na ang Presidente ng Amerika na si Donald Trump.
Manila, Philippines – Ipinunto ni Cayetano na bagama’t natapos na ang giyera sa Marawi city, nagpapatuloy naman ang terorismo sa ibang panig ng daigdig.
Pinakahuling insidente dito ang naganap na pag-atake sa Lower Manhattan sa New York kung saan 8 indibidwal ang nasawi.
Sinabi pa ni Cayetano na ipupursige ng Pilipinas ang pagpapalakas ng ugnayan ng mga kaalyadong bansa lalo na sa pagbabahagi ng tinatawag na Intelligence Information, pagsasanay at iba pang paraan para pigilan ang pag-atake ng mga terorista.
Paiigtingin din aniya ang pagtugis sa mga miyembro ng ISIS.
Bukod dito kasama din aniya sa tatalakayin sa summit ang ballistic test at nuclear program ng North Korea.