PAGLABAN SA TERORISMO | Israel, makatutulong sa bansa – ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Inihayag ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na malaki ang maitutulong ng Israel sa Pilipinas sa usapin ng paglaban sa terorismo.

Ayon kay Go, isa ito sa mga benepisyong makukuha ng Pilipinas sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Israel sa susunod na buwan.

Paliwanag ni Go, may anti-terror capabilities ang Israel na maaari nitong ibahagi sa Pilipinas na makatutulong sa pagsugpo ng Pamahalaan sa matagal nang problema ng terorismo sa ilang bahagi ng Mindanao.


Isa aniya ito sa mga posibleng mapagkasunduan o mapagusapan sa pagkikita nila Pangulong Duterte at Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Nakatakdang tumulak si Pangulong Duterte sa Israel sa a-2 ng Setyembre bilang pagtugon sa imbitasyon ni Prime Minister Netanyahu at bibisitahin din naman ni Pangulog Duterte ang Filipino community sa Israel.

Facebook Comments