Paglaban sa Terorismo, Tungkulin ng Buong Sambayanan

Gamu Isabela- Kailangan ang kooperasyon at pakikipagtulungan ng mamamayan upang labanan ang mga terorismo.

Ito ang binigyan diin ni Brig.Gen.Perfecto Rimando Jr. commander ng 5th ID Phil.Army na nakabase sa Upi Gamu Isabela.

Sa panayam ng RMN News Cauayan sa nasabing opisyal kanyang sinabi na kanilang pinaigting ang intelligence network at pakikipag ugnayan sa mga muslim communities sa kanilang nasasakupan may kaugnayan sa pagpapalakas di umano ng Maute-ISIS group.


Magugunita na isang kilalang sub leader ng naturang teroristang grupo ang nadakip sa metro manila kayat di umano nila isinasantabi ang posibilidad na may mga gumagapang sa kanilang AOR upang magrecruit ng mga terorista.

Ayon pa kay Gen.Rimando dapat  maging mapagmatyag din ang mga mamayan at agad na ireport sa mga otoridad ang mga kahina hinalang kilos at pagdagsa ng mga di kilalang tao sa kanilang lugar upang malabanan ang mga nagnanais na maghasik ng kaguluhan sa ating bansa.

Facebook Comments