Paglabas ng bansa ni Alice Guo, paiimbestigahan na ng DOJ

Pinaiimbestigahan na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang iligal na paglabas ng sinibak na si dating Bamban Mayor Alice Guo.

Ayon kay Remulla, ipinag-utos na niya ang malalimang imbestigasyon at siniguro din nitong mananagot ang lahat ng mga may kinalaman o tumulong para makalabas ng bansa ang kontrobersiyal na dating alkalde.

Pinagpapaliwanag na rin daw ni Remulla si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco at hiningan na rin ito ng ulat.


Noong nakaraang buwan, sinabi ng BI na mahigpit nilang binabantayan ang galaw ng alkalde na nauna nang inilagay sa Immigration Lookout Bulletin.

Facebook Comments