Paglabas ng IRR ng Expanded Maternity Leave Law kasabay ng paggunita ng labor day, ikinatuwa ng mga kababaihang manggagawa

Ipinagbunyi ng mga women workers ang pagpalabas ng implementing rules and regulations o IRR ng Expanded Maternity Leave Law.

 

Kasama ang mga kababaihang manggagawa sa  isinasagawang kilos protesta ngayong araw.

 

Ayon kay Akbayan partylist  representative Tom Villarin  na sumama din sa martsa, tamang tama ang timing ng pagpalabas ng IRR ngayong labor  day na maituturing na tagumpay ng mga kababaihan.


 

Kasabay nito binalaan din ng kongresista ang mga kumpanya na nagpapakita ng diskriminasyon sa paghahire o pagtigil na sa pagtanggap ng  mga  kababaihang  manggagawa dahil sa  expanded maternity leave law na umanoy paglabag sa  article 135 ng labor code.

 

Aniya dapat tigilan na ng mga employers ang pananakot  na hindi na tatanggap ng  babaeng applicants kung mag aavail ito ng  maternity leave.

 

Sa ilalim ng expanded maternity leave , lahat ng mga employers na mapatunayang may discriminatory acts ay papatawan ng multa mula 20 libo hanggang 200 libong piso at kulong na 6 na taon hanggang 12 taon.

Facebook Comments