Muling nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa mga magulang kaugnay sa paglabas ng mga bata sa tahanan.
Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, papayagan lamang na lumabas ng tahanan ang mga bata kung ito ay para sa medical purposes o kaya ay kapag mage-ehersisyo.
Giit ni Eleazar, malinaw ang inilabas na guidelines kung ano lang ang dapat gawin ng mga bata kung ito ay lalabas ng bahay kasama ng kanilang magulang.
Kaya babala ng PNP chief, pananagutin ang magulang ng mga bata na hindi susunod sa naturang health protocols kontra COVID-19.
Facebook Comments