Paglabas sa ₱59-M na pondo para sa BTA, pinamamadali

Nakatakdang ilabas ng gobyerno ang 59 million pesos para sa sahod ng mga miyembro ng interim government ng Bangsamoro Autonomous Region.

Una nang nababala ang Pangulo na magkakaroon ng rebolusyon sa Mindanao kapag hindi agad inilabas ang budget para sa Bangsamoro Transition Authority (BTA).

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – sakop nito ang sahod ng 82 miyembro ng BTA mula Hulyo hanggang Disyembre 2019.


Ang BTA ay pinangungunahan ni Interim Chief Minister at Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairperson Murad Ebrahim hanggang sa makapaghalal ng bagong regional leaders sa 2022.

Facebook Comments