Paglabas sa bansa ni dismissed Mayor Alice Guo, iimbestigahan ng 3 komite ng Senado

Tatlong komite ng Senado ang naatasan na magsiyasat sa paglabas sa bansa ni dismissed Mayor Alice Guo.

Kabilang dito ang Committees on Justice and Human Rights, Women, Children, Family Relations and Gender Equality at Committee on Public Services.

Ang imbestigasyon ay kasunod ng privilege speech ni Senadora Risa Hontiveros kung saan kinumpirma nito na nakalabas na ng bansa si Guo.


Sinasabing kabilang sa mga bansang pinuntahan ni Guo ay Malaysia at Singapore.

Facebook Comments