Ikinabahala ni Basilan Rep. Mujiv Hataman ang paglutang sa social media na mga sumusuporta kay Dr. Chao Tiao Yumol na siyang namaril sa Ateneo de Manila University sa Quezon City kamakailan na ikinamatay ng 3 katao kabilang si dating Lamitan City Mayor Rose Furigay.
Punto ni Hataman, kailan pa naging tama na pumatay at kailan din naging tama na purihin at ilagay sa pedestal ang taong kumitil ng mga buhay at nandamay ng mga inosente.
Para kay Hataman, hindi nakakatulong na ginagawa pang “bayani” ang pumapatay ng mga tao, lalo na kung inosente ang mga biktima.
Nilinaw naman ni Hataman na hindi niya isusulong ang panukalang laban sa kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin pero papaano kung ang saloobin ay pagsuporta o nang-eengganyo na gumawa ng krimen.
Kaugnay nito ay nanawagan si Hataman sa mga otoridad na imbestigahan ang insidente ng sa gayon malinawan ang lahat hinggil sa madugong pangyayari.
Nais ding mabatid ni Hataman kung saan talaga nanggaling ang alitan ng mga Furigay at ni Chao-Tiao Yumol, na umabot sa patayan.