Paglaganap ng krimen sa bansa, mas dapat na imbestigahan ng QuadComm sa halip na ipakulong ang mga opisyal na nagsilbi naman sa bayan

Pinayuhan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang House Quad Committee na ang paglaganap ng krimen sa bansa ang dapat na iniimbestigahan sa halip na sayangin ang enerhiya at resources sa pagpapakulong sa mga opisyal na nagsilbi sa bansa “in good faith”.

Ginawa ng senador ang pahayag matapos niyang bisitahin ang burol ng security guard at ang nakaligtas na pulis matapos barilin ng kapwa pulis na pinaniniwalaang nasa ilalim ng impluwensya ng iligal na droga sa Makilala, Cotabato.

Giit ni Dela Rosa, ang mga ganitong laganap na krimen ang dapat na sinisiyasat ng QuadComm at hindi ang mga maaayos naman na nagtatrabaho.


This slideshow requires JavaScript.

Inihalimbawa nito si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva na pina-cite in contempt ng Kamara gayong nagtrabaho naman ng maayos.

Sinabi pa ng mambabatas na wala nang kinatatakutan ang mga drug pushers, drug lords at mga kriminal dahil ang mga awtoridad ay karaniwang iniipit na sa QuadComm.

Facebook Comments