Paglagay ng infrared thermometer, alcohol at hand sanitizers sa mga gusali at opisina sa Mandaluyong, ipinatupad

Pinagutos ng pamunuan ng Mandaluyong City Government sa mga may-ari ng mga establisyemento at kompanya at mga negosyante na bumili ng sariling infrared thermometer at mag lagay ng mga alcholo at hand sanitizers sa kanilang mga gusali at opisina.

Ayon kay Jimmy Isidro, Chief-of-Staff ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong, kung maari ay magdagdag ng mga tao ang mga business establishment para mabantayan ang kalusugan ng mga taong papasok sa kanilang mga gusali.

Sinabi rin nito na minomonitor din nila ang lahat ng Chinese national na kumukuha ng permit dahil doon pa lang ay malalaman na kung may sakit ito.


Pahayag ni Isidro na isa ito sa mga hakbang nila kaugnay sa kautosan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pag laban kontra sa 2019-nCoV ARD sa bansa.

Facebook Comments