Paglagay sa Alert Level 1 ng isang lugar, nakadepende kung bakunado na ang 80% ng senior citizens at mga may-comorbidites

Iginiit ng Department of Health (DOH) na kinakailangan munang mabakunahan ang 80% ng senior citizens at mga may co-morbidities sa isang lugar bago ito ibaba sa Alert Level 1.

Sa Talk to the People kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, ipinaliwanag ni Health Secretary Francisco Duque III na layon nitong masiguro na handa na ang isang lugar bago ilagay sa pinakamaluwag na alert level status.

Una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na naghahanda na ang gobyerno sa transition ng COVID-19 pandemic bilang endemic at ang Alert Level 1 ang magsisilbing “new normal” sa bansa.


Samantala, sa ngayon ay aabot pa sa 2.4 milyon na senior citizens sa bansa ang hindi pa bakunado kontra COVID-19.

Facebook Comments