Mariing pinabulaanan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang mga kumakalat na balitang ibabalik muli ang Metro Manila sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) para sa holiday season.
Ayon kay Nograles, pawang mga sabi-sabi lamang ang mga kumakalat na ulat.
Aniya, napakalayo ng mga naturang ulat sa katotohanan.
Bilang co-chairperson ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), sinabi ni Nograles na nagrerekomenda lamang sila ng quarantine classification tuwing katapusan ng buwan.
Magpupulong ang IATF pagkatapos ng Pasko para pagdesisyunan ang quarantine classifications para sa buwan ng Enero.
Sa kabila ng umiiral na quarantine classifications, ang mga lokal na pamahalaan ay pinapayagang isailalim ang ilang lugar na kanilang nasasakupan sa mahigpit na lockdown o localized lockdown.