Paglagda ng kontrata ni Kiefer Ravena sa Shiga Lakestars, tinutulan ng PBA

Tinutulan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagsali ni Kiefer Ravena bilang import sa Shiga Lakestars sa Japan Professional Basketball League.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, hindi maaaring maglaro si Ravena sa Lakestars sa Japan dahil sa existing 3-year contract nito sa NLEX Road Warriors.

Dagdag ni Marcial, kailangang kumpirmahin ng kampo ni Ravena ang clearance sa franchise bago makapaglaro sa abroad.


Nakatakdang makalaban ni Kiefer ang kapatid na si Thirdy Ravena na lumagda rin ng kontrata sa koponang San-en NeoPhoenix ng Japan B-League.

Facebook Comments