Nilagdaan ng mga katuwang na ahensya ang ‘Balay Silangan Reformation Program’ kasabay ang Graduation Ceremony na ginanap sa bayan ng San Fabian, Pangasinan.
Ang ‘Balay Silangan Reformation Program’ ay inimplementa noong taong 2018, na inisyatibo ni Director General Aaron N. Aquino, sa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine Drug Enforcement Agency. Pinagtibay naman ito ng Dangerous Drugs Board bilang regulasyon noong Enero 2018.
Naglalayon ang nasabing programa na magbigay ng interbensyon at pagkakataon para sa mga small-time drug offenders na hindi gumagamit ng droga o dependent, sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng kanilang sitwasyon at pagbibigay sa kanila ng pagkakataon para sa isang bagong buhay nang hindi sumasailalim sa mga operasyon ng pagpapatupad at pagkuha ng isang criminal record.
Pinapayagan din ang mga itong nang hindi inaalis ang kalayaan at may wastong patnubay.
Dinaluhan ang programa ng DILG Pangasinan Provincial Director, San Fabian Municipal Mayor, PDEA Provincial Director, PNP Provincial Director P/Col Jeff E. Fanged, MLGOO at iba pang mga katuwang na ahensya.
Dinaluhan ang programa ng DILG Pangasinan Provincial Director, San Fabian Municipal Mayor, PDEA Provincial Director, PNP Provincial Director P/Col Jeff E. Fanged, MLGOO at iba pang mga katuwang na ahensya.
Samantala, sa pinakahuling ulat ay mayroon ng 948 na nagtapos ng Balay Silangan Reformation Program na nabigyan ng pagkakataon na mapabilang muli sa kanilang mga komunidad. |ifmnews
Facebook Comments