Paglagda ng Pilipinas at Japan sa Reciprocal Access Agreement, sasaksihan ni PBBM

Courtesy: Bongbong Marcos FB page

Sasaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong umaga ang paglagda ng kasunduan ng Pilipinas at Japan.

Nakapaloob dito ang pagpapalakas ng military cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.

Ito ay ang Philippines-Japan Reciprocal Access Agreement o RAA na pormal na sinimulan noong November 2023.


Ang Reciprocal Access Agreement sa Japan ay commitment na nabuo sa inaugural Philippines – Japan Foreign and Defense Ministerial Meeting o 2+2 noong April 2022 na ginawa sa Pilipinas.

Lalahok dito ang Department of National Defense at ang iba pang delegasyon mula sa Department of Foreign Affairs at Department of Justice.

Facebook Comments