Nabitin ngayong araw ang dapat sana’y paglagda ni Pangulong Bongbong Marcos sa dalawang panukalang batas na SIM Registration Bill at pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Sa pulong balitaan, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na posibleng sa susunod na Lunes na lamang itatakda ang paglagda sa 2 panukala.
Hindi naman masabi ng Senate president ang dahilan sa naudlot na pagpirma ng pangulo sa dalawang panukala.
Nitong Martes ay nilagdaan ng Kamara at Senado ang dalawang panukala na sinaksihan ng mga mambabatas.
Kapag napirmahan ito ng presidente sa Lunes, ito ang dalawang kauna-unahang batas sa ilalim ng 19th Congress at Marcos administration.
Facebook Comments