MANILA – UMANI nang papuri mula kay Senatos Sonny Angara at nancy binay ang paglagda ni pangulong Noynoy Aquino sa panukalang ilibre sa 12-percent value added tax o VAT partikular sa mga goods and services ang mga may kapansanan o persons with disabilities (PWDs).Sa ilalim ng RA 10754, ang 12-percent VAT exemption ay liban pa sa 20-percent discount na nakukuha ng PWDs na nasasaad naman sa Magna Carta for Disabled Persons.“Ayon kay angara, Pinalalawak ng bagong batas na ito ang mga benepisyo at pribilehiyong ipinagkakaloob sa mga taong may kapanssanan, gayundin sa kani-kanilang pamilya base sa umiiral na Magna Carta upang mas mapagaan ang buhay ng PWDs at isulong ang kanilang kapakanan,”Sabi naman ni sen nancy binay, dapat lamang kilalaninin o isulong ang kapakanan ng mga may 1.5 milyong kapansanan sa bansa sa pamamgitan ng pagpapatupad ng nabanggit na batas.Dagdag pa ni Sen. Binay, mayroong mga espesyal na pangangailangan ang ating PWDs para sa kanilang kundisyon kayat Malaki ang maitutulong sa kanila kapag, kahit papaano ay, mababawasab ang kanilang mga gastusin sa pangaraw-araw.
Paglagda Ni Pnoy Sa Naipasang Panukalang Tax Exemtions Sa Pwds, Pinuri Ng Nina Senators Angara At Binay
Facebook Comments