Paglagda sa Maritime Zones Bill, hiniling ng isang kongresista kay PBBM para mapatibay ang posisyon ng Pilipinas laban sa pagiging agresibo ng China

Nananawagan si Cagayan De Oro 2nd District Representative Rufus Rodriguez kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na lagdaan na ang Philippine Maritime Zones Bill upang ganap nang maging batas.

Tiwala si Rodriguez na mapapalakas nito ang posisyon ng Pilipinas laban sa agresibong aktibidad ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Apela ito ni Rodriguez kay PBBM sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China ukol sa pinag-aagawang maliliit na isla, shoals at maritime waters at ang patuloy na panghihimasok sa ating Exclusive Economic Zone.


Binanggit din ni Rodriguez, ang atas ng China sa Coast Guard nito na ikulong ang mga dayuhang “trespassing” o daraan sa WPS.

Giit ni Rodriguez, ang pagsasabatas sa panukala ay alinsunod sa international laws, mga kasunduan at conventions kasama ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at ang 2016 arbitral ruling na nagbabasura sa malawak na pang-aangkin ng China sa South China Sea kasama ang WPS.

Facebook Comments