Paglago ng ekonomiya, dahil sa teamwork at kooperasyon ng mga Pilipino

Itinuturo ni House Majority Leader Martin Romualdez sa teamwork at kooperasyon ng mga Pilipino ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa 11.8% ngayong second quarter ng taon.

Ayon kay Romualdez, ikinagagalak ng Kamara ang balitang pag-angat ng ekonomiya ng bansa hudyat ng pagwawakas ng recession na dulot ng pandemya matapos ang 15 buwang pagtitiis ng mga Pilipino.

Aniya, ang Economy growth ng bansa ay bunga ng “spirit of teamwork and cooperation” ng Pilipino at ang pagtutulungan ng mga ahesya ng gobyerno at pribadong sektor ng Pilipino ay ipinamalas sa paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic.


Tinukoy ni Romualdez, na isa naging susi sa pag-usbong ng ekonomiya ay ang pagpapaigiting ng malawakang COVID vaccination sa kabila ng limitadong suplay ng bakuna nito.

Tiwala ang majority leader na tayo ay nasa tamang landas at unti-unti na ring mararamdaman ang resulta na inaasam para sa muling pagbangon ng bansa.

Facebook Comments