Paglago ng ekonomiya, kailangang sabayan ng pinag-ibayong paggastos ng gobyerno

Itinuturing ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, na solid growth, sa kabila ng mga pandaigdigang hamon, ang naitalang 5.6% na paglago sa ekonomiya ng Pilipinas nitong 2024.

Bilang ekonomista ay iginiit ni Salceda na ito ay dapat sabayan ng pinag-ibayong paggastos ng gobyerno na ngayon ay bumagal.

Iminungkahi rin ni Salceda na tutukan ng pamahalaan ang pagkain lalo’t may mga palatandaan na ang mga mamimili ay mas gumagastos sa mga bagay na nakakaapeko sa paglago ng ekonomiya kabilang ang mga pangunahing pagkain tulad ng bigas.


Sabi ni Salceda, kailangang magkaroon ng kakayahan ang mamamayan na makabili ng pagkain bago sila maging kumpiyansang gumastos sa iba pang mga bagay.

Ayon kay Salceda, ito rin ang dahilan kung bakit mahalaga ang papel ng Murang Pagkain Supercommittee ng Kamara sa pagpapababa sa presyo ng pagkain na magbubunga ng patuloy na paglago ng ekonomiya ngayong 2025.

Facebook Comments