Sinasalamin lamang ng 7.7% na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa huling quarter ng 2021 ang pagiging matatag ng ekonomiya ng bansa.
Ito, ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles ay sa kabila ng mga hamong dala ng COVID-19 pandemic at mga kalamidad na tumama sa bansa, tulad ng Bagyong Odette.
Ayon sa kalihim, magpapatuloy ang pamahalaan sa pagsusulong ng mga polisiya at reporma, habang binubuhay ng bansa ang isang mas matatag na ekonomiya na layuning lahat ng mga Pilipino ay makakatamasa ng ligtas at komportableng buhay.
Kasunod nito, pinapurihan ng Palasyo ang economic team ng bansa na patuloy sa paggampan ng kanilang mandato sa kabila ng mga hamong ito.
Pinasalamatan din ng Malakanyang ang publiko sa mga sakripisyo, at sa pagtitiwala ng mga ito sa liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kabuuan, umakyat sa 5.6% ang fully year Gross Domestic Product ng Pilipinas para sa 2021.