Manila, Philippines – Bahagyang bumagal ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa unang tatlong buwan ng taon.
Batay sa first quarter report ng National Economic Development Authority o NEDA – 6.4 percent ang naitalang Gross Domestic Product o GDP growth rate ng Pilipinas sa unang quarter ng 2017.
Sabi ni NEDA Director General Ernesto Pernia, mas mabagal ito kung ikukumpara sa 6.9 percent growth rate sa kaparehong panahon noong 2016.
Ang GDP ay ang kabuuang produkto at serbisyo na nalikha sa loob ng isang bansa.
Gayunman aniya, hindi ito dapat ikabahala.
Pinakamataas ang naging kontribusyon services, manufacturing at industry sector dahilan para mahatak pataas ang ekonomiya ng bansa.
Dagdag pa ni Pernia, malaki rin ang isinigla ng produksyon ng agrikultura, na pumalo sa 4.9 percent.
At kahit aniya hindi nakamit ng Pilipinas ang target nito para sa 1st quarter ay pumapangalawa pa rin ang Pilipinas sa mga bansang may fastest growing economy sa Asya.
* DZXL558*