Posibleng bumagsak sa 7.3% ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2020 dahil sa epekto ng COVID-19.
Base sa huling tala na inilabas ng Asian Development Outlooks, mas mataas ito kumpara sa naitala nitong Abril na nasa -3.8% lamang.
Ayon kay Asian Development Bank (ADB) Country Director for the Philippines Kelly Bird, ito na ang pinakamataas na porsyentong bumulusok ang ekonomiya ng bansa magmula noong Mayo at Hunyo ngayong taon.
Posible namang umabot sa 6.5% ang economic growth ng Pilipinas sa 2021 kung hindi mapapaunlad muli ang ekonomiya ng bansa.
Sa ngayon, umabot na sa 10% ang mga Pinoy na walang trabaho o katumbas ng 4.6 milyong adult Filipinos, mas mataas kaysa sa 17.7% o 7.3 milyong Pilipinong walang trabaho noong Abril.
Facebook Comments