Itinuturing na good news ng Department of Budget and Management (DBM) ang ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na lumago ang ekonomiya ng bansa nitong ikalawang quarter ng 2024.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, malaking pag-angat ito mula sa 5.7% na paglago ng GDP noong unang quarter ng taon.
Nakapaloob din aniya ito sa 6-7% na target na paglago ngayong taon.
Inihalimbawa pa ito ni Pangandaman sa panibagong gintong medalyang nakamit ng Pilipinas.
Magandang balita rin aniya ito ngayong tinatalakay sa Kongreso ang panukalang budget para sa susunod na taon.
Paliwanag ni Pangandaman, patunay ito na metikuloso ang pamahalaan sa paglalaan ng pondo habang sinisiguro ang paglago ng ekonomiya ng bansa.
Kasunod niyan, nanawagan naman ang kalihim sa lahat ng ahensiya ng gobyerno na tiyakin na magagamit nang maayos ang pondo ng pamahalaan tungo sa paglakas ng ekonomiya at pagpapababa sa antas ng kahirapan.