Paglago Ng Mga Maliliit Na Negosyo, Tiniyak Ng Tambalang Duterte-Cayetano

29

MANILA – Sa pagpapatuloy ng kanilang ronda-serye… Binisita ng tambalang Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano ang mga tindero sa pampang public market sa Angeles, Pampanga.Kasabay nito, tiniyak ng tambalan na sa ilalim ng kanilang pamumuno ay makakaranas ng paglago ang micro, small and medium enterprises (MSMEs).Plano din nina Duterte at Cayetano na palawigin ang pautang na magsisilbing ‘bank of the poor’ kahalintulad ng programang Presyo, Trabaho, Kita (PTK).Layon nito na makapagbigay ng puhunan sa mga maliliit na negosyante sa pinakamaliit na tubo.Naniniwala si Cayetano na matapang at mabilis na aksyon ang kailangan ng mga napabayaan at inaaping sektor ng lipunan.

Facebook Comments