Target ng gobyerno na masuportahan at gawing medium enterprises ang mga maliiit na negosyo.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Joey Concepcion ng Go Negosyo at miyembro ng Micro, Small and Medium Enterprise Development Council na malaki ang interes ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mapalakas ang pakikipagkumpetisyon sa ibang bansa ng maliliit na negosyante o mga nasa nano, micro and small enterprises.
Sinabi pa ni Concepcion na kung gusto talagang mapabuti ang ekonomiya ng bansa, hindi lamang dapat malalaking negosyo ang patuloy na umuunlad dapat ay maging ang maliliit na negosyo dahil sila ang malaki ang bilang sa bansa.
Inihalimbawa ni Concepcion ang mga magsasaka na silang maituturing aniyang micro entrepreneurs.
Naniniwala si Concepcion na kapag natulungan ng pamahalaan ang agri entrepreneurs ay mababawasan ang antas ng kahirapan sa bansa.
Kaya naman ayon kay Concepcion na mismong ang malalaking negosyante ang tumutulong sa maliliit na farmer entrepreneurs sa value chain.