Bunga ng palpak na tugon ng pamahalaan sa COVID-19 ang dahilan ng lumalalang krisis sa bansa.
Ito ang inihayag ni dating National Task Force (NTF) Against COVID-19 Adviser Dr. Tony Leachon kasabay ng higit 9,000 kaso ng COVID-19 na naitatala sa nakalipas na araw.
Ayon kay Leachon, 80 porsyento sa nararanasang krisis ay tungkol sa ‘leadership problem’ at iginiit na nasa mas malalalang estado ang bansa kumpara noong nakaraang taon.
Aniya, dapat na mag-step up ang pamahalaan dahil naghihintay ang mga Pilipino sa resulta ng COVID-19 pandemic.
Inalmahan din nito ang pahayag ng Malacañang na ‘excellent’ o mahusay ang kanilang tugon sa krisis na bunsod ng pandemya.
Samantala, binuweltahan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pahayag ni Leachon at sinabing ang mga COVID-19 variants ang dapat sisihin sa muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region (NCR) Plus Bubble.
Giit ni Roque, nais lamang ni Leachon na maging kalihim ng ng Department of Health (DOH).