Paglalaan ng ₱1 trilyong alokasyon para makabangon ang ekonomiya ng bansa, iminungkahi ng isang senador

Iminumungkahi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na maglaan ang gobyerno ng ₱1 trilyon na alokasyon para makatulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Recto, inaasahan na niyang magkakaroon ng isang malakihang epekto sa ekonomiya ang mga ipinatupad na lockdown sa iba’t-ibang bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila.

Sa ilalim ng kanyang inihaing Senate Bill (SB) No. 1474, ipinapanukala rito ang pagkakaroon ng economic stimulus strategy na layong mapatatag ang mga negosyo sa pamamagitan ng pagbabalik sa economic activities.


Kabilang din sa naturang panukala ang pagpapautang sa mga maliliit na negosyo at patuloy na paglalaan ng wage subsidies sa mga manggagawang lubhang naapektuhan ng krisis.

Una nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakikipag-ugnayan na ang kanyang economic managers sa foreign development partners para mas mapaigting pa ang mga ginagawang programa ng pamahalaan.

Facebook Comments