Paglalaan ng 90% ng vaccine supply sa NCR Plus, hindi pinaboran ng DOH

Hindi sinang-ayunan ng Department of Health (DOH) ang hirit na ilaan ang 90% ng COVID-19 vaccine supply ng Pilipinas sa NCR Plus bubble.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, hindi posible at hindi naaangkop ang naturang mungkahi ng OCTA Research Group.

Aniya, may iba pang rehiyon na nangangailangan din ng bakuna dahil mataas ang kaso ng COVID-19.


Giit pa ni Vergeire, bumababa na rin naman ang mga COVID-19 case sa NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Cavite, Rizal, Bulacan at Laguna.

Facebook Comments