Paglalaan ng bilyong piso para maisalba ang ekonomiya ng bansa laban sa COVID-19, inihain sa Kamara

Isinusulong ni Marikina Representative Stella Quimbo, ang paglalaan ng bilyong piso para maisalba ang ekonomiya ng bansa laban sa negatibong epekto ng COVID-19.

Sa ilalim ng panukalang 2020 Economic Rescue Plan, inilalatag ang ₱108 billion fiscal package stimulus, na huhugutin mula sa National Treasury bilang karagdagang pondo at budgetary requirements para sa Fiscal Year (FY) 2020 budget.

Sa panukala, ₱43 billion ang ilalaan sa assistance and promotion sa tourism sector, ₱13 billion para sa emergency employment ng mga displace workers at ₱50 billion para sa assistance for business tulad ng Ministry of Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs.


Maaari, aniyang, kunin ang naturang halaga sa ₱13B contingency fund na nakapaloob sa 2020 General Appropriations Act habang ang nalalabi ay maaaring kunin sa savings o borrowings.

Nakasaad din sa panukala ang pagtatag ng isang Inter-Agency Task Force na siyang babalangkas ng fiscal stimulus package at magma-manage sa paggamit ng pondo.

Bubuuin ito ng mga kinatawan mula sa National Development Economic Authority (NEDA), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Finance (DOF), at Department of Budget and Management (DBM).

Facebook Comments