Nanawagan si Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairman Mohagher Iqbal sa kongreso na i-konsidera rin ang paglalaan ng pondo sa pinagbobotohang Bangsamoro Region sa ilalim ng 2019 national budget.
Ito ay kahit may nakatakda pang petsa ng plebesito sa Pebrero.
Ayon kay Iqbal – mahalagang matiyak na masususportahan ng pamahalaan ang ipinapasang Bangsamoro Organic Law (BOL).
Sa ilalim ng BOL, makakatanggap ng limang porsiyento ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) mula sa internal revenue tax at net collection ng Bureau of Customs sa nakalipas na tatlong taon.
Naniniwala ang Milf Leader na mauuna pang ma-ratify ang resulta ng BOL plebescite kumpara sa higit P3.757 trillion na pondo na kasalukuyan pa ring nakasalang sa bicameral conference committee.
Kung hindi pagbigyan ng kongreso ang hiling ng mga Bangsamoro leaders, mapipilitan daw silang gamitin ang nailaan Ng P32-billion na budget para sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.