Paglalaan ng pondo para sa sa pagkuha ng 20,000 bagong guro, tiniyak ng Kamara

Tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na lalaanan ng kamara ng pondo ang pagkuha ng 20,000 bagong posisyon ng guro sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay Romualdez, tugon ito sa pagnanais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Binanggit ni Romualdez na sa susunod na taon ay patuloy nila itong lalaanan ng pondo sa ilalim ng Department of Education na pinamumunuan ni Secretary Sonny Angara.

Diin ni Romualdez, tamang-tama ang pagkuha ng dagdag na mga guro lalo’t tumataas ang bilang ng mga estudyante at patuloy na nararamdaman ang kakulangan ng mga guro, lalo na sa malalayong barangay.

Nangako rin si Romualdez na tututukan ng Kamara ang proseso ng hiring ng mga guro upang masigurado ang mabilis, tapat, at makatarungang deployment ng mga guro, lalo na sa mga lugar na may matinding pangangailangan.

Facebook Comments