Binatikos ng isang transport group ang hakbang ng gobyerno na ilaan ang innermost lane ng EDSA para sa mga bus na nasa kaliwa ang pintuan.
Ayon kay Alliance of Concered Transport Organization (ACTO) President Efren De Luna, dapat na tinitingnan ng gobyerno ang sitwasyon ng mga commuters gayundin ng kalsada.
Bukod sa pahirapan para sa mga pasahero ang pag-akyat sa mga footbridge para lang marating ang bus stops, aabutin din ng P100,000 ang magagastos ng mga operator para magkaroon ng left passenger doors.
Giit ni De Luna, dapat na magkaroon muna ng konsultasyon sa mga apektadong sektor bago magpatupad ng programa ang gobyerno.
Sa interview naman ng RMN Manila, nanindigan si MMDA Traffic Head Bong Nebrija sa pagpapanatili ng bus lane sa kaliwang bahagi ng EDSA.
Samantala, umapela si Ann Angala ng grupong Bikers United Marshall sa Department of Transportation (DOTr) na maglagay ng protected bike lanes para sa mga bikers.
Sa harap na rin ito ng plano ng DOTr na magtayo ng Metro Manila Bike Lane Network.