Paglalaanan Ng Dagdag Na Kontribusyon Sa Mga Sss Member Sa Mayo, Ipinaliwanag Ng Social Security System

10

MANILA – Hindi labag sa batas ang pagpapatupad sa Mayo ng dagdag kontribusyon sa Social Security System (SSS).Kasunod ito ng sinabi ni Senate President Pro Tempore Franklin Drilon na ilegal at labag sa social security law ang 1.5 increase sa buwanang kontribusyon ng mga myembro nito.Sa interview ng RMN kay SSS Chairman Dean Amado Valdez – ipinaliwanag nito na ang P1,000 dagdag-pensyon na ipatutupad ngayong Enero 2017 ay popondohan ng kasalukuyang kontribusyon at kita sa investments.Habang ang dagdag sa kontribusyon na ipatutupad sa mayo ay gagamitin naman para palakihin ang investment reserve fund at palakasin ang buhay ng pondo ng SSS.Samantala, planong silipin ng National Economic and Development Authority (NEDA) kung paano makakatipid ang SSS sa mga gastusin at makatulong para punan ang dagdag sa pensyon.Kabilang na rito ang pag-review sa compensation package ng mga opisyal ng SSS na tumatanggap ng milyong pisong sweldo at benipisyo.

Facebook Comments