Limang bilyong piso ang ilalabas ng pamahalaan para sa ayuda sa mga kababayan nating nasalanta ng mga nagdaang kalamidad.
Ayon sa Department of Budget and Management, ipapamahagi ito sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, layon nitong makabangon agad ang mga Pilipino sa sakuna lalo na sa mga nasa mahihirap na komunidad alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sabi pa ni Pangandaman, ang naturang alokasyon ng dagdag pondo alinsunod sa special provisions sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act kaugnay sa paggamit ng Unprogrammed Appropriations.
Ang AICS program ay bahagi ng serbisyo ng DSWD na nagbibigay ng kinakailangang suporta kasama na rin ang tulong pinansyal para sa iba pang agarang pangangailangan ng mga kababayan nating dumaraan sa krisis.