Manila, Philippines – Naiintindihan ng Palasyo ng Malacañang ang inilabas na travel Advisory ng Australian Government na nagbibigay ng babala sa kanilang mga kababayan na nandito sa ating bansa na magingat dahil narin sa banta ng terorismo.
Ayon kay Incoming Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, nakausap nila ang embahada ng Australia dito sa Pilipinas at sinabi aniya nito na ang inilabas na travel warning ay hindi dahil sa panibagong banta ng terorismo kundi kaparehong assessment lamang nila dahil sa kaguluhan sa Marawi City na natapos na.
Nakipag-ugnayan narin naman aniya ang Department of Foreign Affairs sa iba pang embahada ng iba pang bansa dito sa Pilipinas at wala aniyang pagbabago sa mga travel advisories na inilabas ng mga ito.
Siabi din naman ni Roque na walang impormasyon ang Pamahalaan na mayroong mas matinding terror threat sa bansa kaya tinitiyak aniya ng pamahalaan sa mga banyaga dito sa Pilipinas na ginagawa ng mga otoridad ang lahat para matiyak ang seguridad ng lahat.
Binigyang diin ni Roque na ligtas na magtrabaho, magaral, magnegosyo at mamasyal sa Pilipinas.
Paglalabas ng Australia ng travel warning sa Pilipinas, hindi minasama ng palasyo
Facebook Comments