Paglalabas ng bakuna kontra ASF, ikinatuwa ng grupo ng mga hog raisers

Ikinatuwa ng grupo ng mga magba-baboy ang anunsiyo ng Food and Drug Administration (FDA) na naglabas sila ng Certificate of Registration para sa bakuna kontra African Swine Fever (ASF).

Sa video message ni AGAP Party-list Nick Briones, pasado na sa pagsusuri ang bakuna at bagama’t hindi nagdudulot ng banta sa kalusugan ng tao – nakapipinsala naman ang epekto ng ASF sa mga baboy.

Matatandaan na unang sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na magsisimula na sila sa pagpapakalat sa nasabing bakuna sa mga apektadong lugar.


Ayon pa kay Laurel, 150,000 na bakuna ang agad nilang dadalhin sa mga red areas ng ASF partikular sa mga lalawigan ng Batangas at Mindoro na sisimulan sa susunod na buwan.

Dagdag pa ni Briones, aabot sa 600,000 baboy ang pwedeng bakunahan ng libre na nagkakahalaga ng ₱350 million ang budget.

Sinabi ni Briones na wala pang epekto ito sa presyuhan ng baboy dahil libre ang bakuna pero sa mga darating na araw na ang mga hog raiser ang gagastos posibleng tumaas ang presyo ng karne ng baboy sa merkado.

Facebook Comments