Ipinag-utos na ni Senator Richard Gordon na siyang Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee ang paglalabas ng contempt order laban kina Pharmally Pharmaceutical Company secretary, Mohit Dargani at President Twinkle Dargani.
Ito ay matapos hindi dumalo ang dalawa sa nagpapatuloy na pagdinig ng senado kaugnay sa maanomalyang pagbili ng COVID-19 supplies.
Ayon kay Senator Gordon, noong una ay tutol siya na magpalabas ng contempt orders pero dahil paulit-ulit ang hindi pagdalo ng dalawa ay napilitan na siyang gawin ito.
Hindi naman nagpatinag si Gordon sa pagiging milyonaryo ng dalawa dahil hindi ito maituturing na exception.
Sa ngayon, posibleng maharap sa kaso ang mga dati at kasalukuyang staff ng Department of Budget and Management’s Procurement Service (DBM-PS) dahil sa hindi pagtukoy kung sino ang nag-utos na magsagawa ng inspection reports para sa pagbili ng COVID-19 supplies.