Nakabinbin sa Department of Budget and Management (DBM) ang ₱10 billion na halaga ng assistance para sa sektor ng turismo.
Ang naturang pondo ay nakapaloob sa Bayanihan to Recover as One o Bayanihan 2.
Sa pagdinig ng Senado sa proposed ₱3.8 billion 2021 budget para sa Department of Tourism (DOT), sinabi ni Secretary Bernadette Romulo-Puyat na nasa 5,000 micro, small, at medium tourism enterprises ang target na mabenepisyuhan ng nasa ₱6 billion loanable funds para sa Small Business Corporation ng Department of Trade and Industry (DTI).
Gagamitin naman ang ₱3 billion para tulungan ang displaced workers sa pamamagitan ng mga programa ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ang ₱1 billion ay mapupunta sa tourism infrastructures na hindi pa nailalabas sa Department of Public Works and Highways (DPWH).