Ipinaubaya nalang ng Palasyo ng Malacañan sa Department of Foreign Affairs kung magbibigay nanaman ang Pilipinas ng Diplomatic Protest laban sa China dahil sa napabalitang panibagong kaso ng pagkuha at pagpatay ng taklobo o giant clams ng ilang namataang Chinese Fishing vessels sa pinagaagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidenital Spokesman Secretary Salvador Panelo, si Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na ang bahala na gumawa ng nararapat na hakbang sa nasabing issue.
Ito narin ang sinabi ng Malacañan sa issue naman ng pagpapataw ng fishing ban ng China sa West Philippine Sea at kabilang dito ang disputed areas.
Matatandaang nakapagbigay narin ang Pilipinas ng diplomatic protest laban sa China na may kaugnayan naman sa sinasabing panghaharass at panghihimasok ng China sa karagatang nasa loob na ng teritoryo ng bansa.