Wednesday, April 1, 2026

Paglalabas ng final report ng ICI, nasa desisyon ni PBBM

Nakasalalay sa desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung ilalabas sa publiko ang final report ng Independent Commission on Infrastructure (ICI).

Ayon kay Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste, naibigay na sa Pangulo ang ulat matapos makumpleto ng ICI ang kanilang trabaho noong March 31.

Nagpasalamat si Leviste kay ICI Chairman Andy Reyes at sa mga miyembro nito sa kanilang naging ambag sa imbestigasyon.

Gayunman, nagpahayag siya ng pagkadismaya dahil walang contempt powers, immunity, at sapat na budget ang komisyon, at hindi rin naipasa ang panukalang lilikha ng Independent People’s Commission (IPC) upang ipagpatuloy ang kanilang mandato.

Dahil dito, sinabi ni Leviste na walang malinaw na natukoy na mastermind sa umano’y korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa kabila nito, iginiit niyang dapat pa ring ilabas ang final report, kasama ang transcripts ng mga pagdinig, upang makita ng publiko ang resulta ng imbestigasyon.

Facebook Comments